Idineklarang patay si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Maria Catalina Cabral nitong Biyernes ng madaling-araw, Disyembre 19, 2025, matapos matagpuan ang kanyang bangkay dahil sa diumano’y pagkakahulog sa bangin ng Bued River, Benguet.
Sa mga panayam sa driver ni Cabral na si Cardo Hernandez, sinabi nitong nagpaiwan ang amo niya sa naturang lugar para makapag-isip.
Ikinuwento ni Hernandez ang tatlong beses na pagsaway niya kay Cabral dahil sa pangambang baka mahulog ito sa bangin nang maupo sa concrete safety barriers ng kalsada.
Diumano, isang pulis ang nagpaalis sa kanila sa naturang lugar kaya nagpunta sila sa isang restaurant na malapit sa hotel na tinuluyan nila para kumain.
Ayon kay Hernandez, bumalik sila ni Cabral ng alas-tres ng hapon sa lugar na kanilang pinanggalingan at muling naupo si Cabral sa concrete safety barrier.
Umalis si Hernandez. Pero sa kanyang pagbalik, hindi na umano niya nakita si Cabral.
Nabigo si Hernandez na mahanap si Cabral dahil wala raw siyang dalang flashlight kaya hiningi na niya ang tulong ng mga pulis.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga kinauukulan ang mahiwagang pagkamatay ni Cabral.
DPWH MOURNS THE PASSING OF CABRAL
Maagaang naglabas ng mensahe ng pakikiramay ang DPWH ngayong Biyernes para sa mga naulila ni Cabral (Mayo 23,1962 – Disyembre 18, 2025).
Hinihiling ng pamunuan ng DPWH na igalang ang pagluluksa ng naulilang pamilya ng nasawi.
Ito ang kabuuan ng mensahe ng pakikiramay ng DPWH tungkol sa pagpanaw ni Cabral: “The Department of Public Works and Highways (DPWH) extends our deepest condolences to the family of former Undersecretary Maria Catalina Cabral during this very difficult time.
“Undersecretary Cabral served the Department for more than 40 years, and her loss will be mourned throughout the organization.
“We recognize the profound loss the family is facing and offer our sincerest prayers. “The Department urges everyone to respect the family’s need for privacy as they mourn and come to terms with the sudden loss.
“We thank you for your compassion and understanding.”
